Posted May 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy pa rin sa ngayong iniimbestigahan ng mga
taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang kaso hinggil sa pagnanakaw sa
dalawang turista sa Boracay.
Nabatid na nakilala sa blotter report ng BTAC ang
mga biktima na sina Anna Sarvanti, 23 anyos ng Finland at Nicholas Christian
Hersanaes, 23 anyos isang Danish national.
Lumalabas sa imbestigasyon na alas kwatro kahapon
ng madaling araw habang naliligo ang dalawa sa baybayin ng Balabag Boracay sa
harap ng isang resort nang tangayin ng hindi nakilalang suspek ang kanilang mga
gamit at pera na nagkakahalaga ng mahigit 20 mil pesos.
Samantala, muli namang ipinapaalala ng mga
kapulisan sa mga bakasyunista lalo na sa mga turista na nagbabakasyon dito sa
Boracay na mag-ingat at huwag
basta-basta iwan ang mga gamit.
No comments:
Post a Comment