Posted May 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dalawang araw mula ngayon ay gaganapin ang
International Paddle for the Planet Day sa isla ng Boracay.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong tumulong at
magbigay kontribusyon sa iba’t-ibang “environmental advocacy” sa isla.
Layunin din umano nitong pagkaisahin ang mga paddlers
sa buong mundo para sa pagkakaroon ng “Global Relay” upang palawigin ang
kamalayan sa kapaligiran at mapangalagaan ang mga karagatan.
Samantala, nabatid na kabilang sa mga makikilahok sa
nasabing aktibidad ang Boracay's Dragonboat Teams, Kayakers, SUP's at maraming
pang iba.
Magkakaroon rin ng Beach Clean-Up ang mga kalahok
sa mga coastal areas at front beach ng Boracay.
Ang International Paddle Planet Day ay gaganapin sa
June 1, 2014 alas dyes ng umaga.
No comments:
Post a Comment