Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang ginagawang paghahanda ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 2.
Ayon kay APPO Public Information Officer P03 Nida Gregas,
naglunsad sila ng “Oplan Balik Eskwela” kung saan may inilagay silang Police
Assistance Desk sa bawat paaralan sa probinsya kabilang na ang paglalagay ng
patrol system at police visibility sa mga kalsada.
Sinabi pa nito na naglatag na rin sila ng checkpoints sa
mga pangunahing kalsadahin sa probinsya bilang bahagi ng pagbubukas ng klase
ngayong Lunes.
Aniya parte na rin umano ng “Oplan Balik Eskwela” ang
crime prevention dahil sa inaasahang paglabasan ng mga street crimes.
Dagdag pa ni Gregas sasabay sa flag raising ceremony ang
mga pulis hanggang sa magbukas rin ng klase ang mga private schools sa Hunyo-9.
Samantala, nagpaalala pa ang APPO na maging vigilante sa
lahat ng oras upang makaiwas sa anumang piligro ngayong pasukan.
No comments:
Post a Comment