Posted May 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dapat umanong pag-planuhang mabuti ang ginagawang mga
aktibidad sa isla ng Boracay ayon kay Malay SB Member Floribar Bautista.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na mga ginawang aktibidad
sa isla nitong summer season kung saan nais niya umanong ma-sustain ito para
hindi mawala.
Sinabi rin nito sa kaniyang privilege speech sa SB
Session ng Malay nitong Martes na dapat magkaroon ng proper plan at polisiya
ang mga kinauukulan tungkol dito.
Samantala, iginiit din nito na merong umanong mga
aktibidad sa isla na pang-worldwide kagaya na lamang ng ginawang record attempt
ng Boracay sa Massage Chain kung saan ang ilan umano sa mga ito ay nagmasahe na
sa tubig na may lumot.
Aniya, ang mga ito ay ilan lamang sa hindi napag-usapang
mabuti dahilan para magresulta ng problema gayon din ang pag-ani ng ibat-ibang
reaskyon mula sa nitezens.
Dagdag pa ni Bautista nagulat rin siya sa pagkakaroon ng
tinatawag na LaBoracay dahil sa hindi ito dumaan sa kanila na ginanap noong May
1, Labor Day kung saan dinagsa ang isla ng libo-libong turista dahil sa mga
aktibidad.
Sa kabilang banda ang privilege speech ni Bautista ay
sinang-ayunan naman ni Vice mayor Welbic Gelito at ng local body na inaasahang
tatalakayin sa mga susunod na session.
No comments:
Post a Comment