Posted May 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang
maagang pagpasok ng habagat season ngayong pangalawang linggo ng Hunyo.
Ito’y matapos kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang southwest
monsoon, o “habagat,” sa una o pangalawang linggo ng buwan ng tag-ulan.
Ilan sa mga magiging paghahanda ng LGU Malay dito ay ang
pagsasaayos ng Tambisaan at Tabon Port na siyang magsisilbing pantalan ngayong
habagat.
Nauna ng sinabi sa SB Session ng Malay na kailangan ang
Tambisaan at Tabon Port lamang ang gagamitin kapag umiiral na ang habagat at
hindi na muna kailangan ilipat sa Cagban at Caticlan Jetty Port upang maiwasan
ang pagkalito ng mga pasahero.
Samantala, sinabi pa ng PAGASA na mararanasan ang pagtama
ng habagat sa Western Seaboards ng Luzon at Visayas kung saan maaari itong makaapekto
sa bansa ngayong Hunyo hanggang Setyembre.
No comments:
Post a Comment