Posted May 31, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasangkot sa kaguluhan ang isang security guard sa isang
Bar sa Station 1 Boracay kahapon ng madaling araw.
Ayon sa report ng Boracay PNP, nagreklamo sa kanilang
tanggapan si John-John Padilla Diego, 18-anyos at tubong Calimabahan, Makato,
Aklan.
Inirereklamo umano nito ang security guard na si Mark
Anthony Imono, 30-anyos at residente ng Tul-ang,
Ibajay, Aklan at duty sa nasabing Bar.
Sa ginawang imbestigasyon ng kapulisan nangyari ang
insidente bandang alas-3:15 ng madaling araw kahapon.
Kung saan inaalegar nitong biktima na sinuntok siya ng
hindi nakilaang lalaki kasama itong security guard dahilan para magtamo siya ng
sugat at pananakit sa katawan.
Sa di kalaunan binawi din ng biktima ang kaniyang reklamo
kontra dito sa security guard at napagkasunduang e-settle na lamang ang
nasabing kaso sa Brgy. Justice System.
No comments:
Post a Comment