Posted May 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bugbog sarado ang inabot ng isang lalaki matapos na
mahuli sa aktong pangdidikwat ng gamit at pera ng lalaking Australian national sa
Boracay.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang suspek na si Glenn Paul Dalisay, 24 anyos ng So. Angol, Brgy. Manoc-manoc Boracay habang kinilala naman ang australianong si Daniel Kuba, 47 anyos.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang suspek na si Glenn Paul Dalisay, 24 anyos ng So. Angol, Brgy. Manoc-manoc Boracay habang kinilala naman ang australianong si Daniel Kuba, 47 anyos.
Ayon sa imbestigasyon, mag-aala singko kahapon ng
hapon habang nakahiga ang turista sa beach bed ng isang resort sa Station 1
Balabag Boracay nang dinikwat ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng isang
libong piso, isang cellphone at digital camera saka itinakbo.
Kaagad namang nakita ng mga residente doon ang
pangyayari kung saan nagsisigaw umano ang mga ito na magnanakaw ang nasabing
lalaki.
Samantala, nang marinig ng isang myembro ng Malay Auxiliary
Police (MAP) ay nangyayaring komosyon ay tumungo ito upang rumesponde sa lugar.
Sinabi umano ng MAP member na huwag nang saktan ang
suspek sa halip ay aarestuhin nya ito subalit walang karason-rason ay sinuntok
din umano sya ng suspek.
Nang magsidatingan na ang mga pulis, ay doon na
naayos ang gulo sa lugar kung saan matapos ang medical examination ay
kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Boracay PNP Station ang nasabing
suspetsado.
No comments:
Post a Comment