Posted May 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Walang habas na nagpaputok ng baril ang isang security
guard ng Caticlan Jetty Port dahil sa umano’y problema sa pamilya.
Basi sa imbestigasyon ng Malay PNP, kinilala ang suspek na
si Richard Alaer, 42-anyos provincial guard ng Caticlan Jetty Port at residente
ng Naili, Ibajay, Aklan.
Ayon kay SPO4 Jenly Cuatriz ng Malay PNP, hindi umano naka-duty
si Richard nang ginawa nito ang pagpapaputok bandang alas 7:30 kagabi.
Napag-alaman na nangyari ito malapit sa Caticlan Airport
at barracks ng mga pulis habang ito’y nagpaputok gamit ang kaniyang baril.
Nahuli naman ang nasabing suspek at agad na dinala sa
tanggapan ng Malay PNP para sa imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Nabatid na pitong beses itong nagpaputok ng baril kung
saan nakuha din sa lugar ng insidente ang basyo ng mga bala.
Sinabi pa ni Cuatriz na wala namang nadamay sa nasabing
pagpapaputok ng sekyu kung saan wala din umanong complainant ang nagsampa ng
kaso kontra dito.
Ngunit magkaganon paman maaaring sila umano ang magsampa
ng kaso para dito dahil na rin sa paglabag sa batas kontra sa ilegal na
pagpapaputok ng baril.
Samantala, ayaw namang magbigay ng pahayag ni Alaer
tungkol sa umano’y problema sa kaniyang pamilya na naging dahilan ng kaniyang
pagpapaputok ng baril.
No comments:
Post a Comment