Posted May 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na insultuhin di umano nito ang mga
rumesponding pulis sa isang komosyon na nangyari sa isang bar sa Station 2
Balabag Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, alas kwatro
kanina ng madaling araw nang dalhin sa Boracay PNP Station si Mary Joy
Tenedero, 22 anyos ng Olonggapo City at nagtatrabaho bilang waitress sa Boracay.
Ayon sa mga pulis, rumisponde sila sa nasabing
lugar dahil sa ulat na natanggap na mayroong komosyon na nangyayari doon na
kinasasangkutan naman ng parehong turista.
Subalit, nagulat umano ang mga ito na ang sinasabing
lasing na babae ay nagsisigaw at nagpakawala ng mga hindi magagandang salita sa
mga pulis at nagsasabing “PERA LANG ANG
KATAPAT NG MGA PULIS.”
Dahil dito, inaresto ang babae subalit tumanggi rin
itong sumama, dahilan upang maharap rin sya sa kasong oral defamation at
resistance and disobedience upon an agent of person in authority.
No comments:
Post a Comment