Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan sa
pagpasok ng Habagat season ngayong darating na buwan ng Hunyo.
Ayon kay Philippine Coast Guard Station Commandant Lt.
Senior Grade Jimmy Oliver Vingno, nakikipag-coordinate na sila sa ibang
kinauukulan tungkol sa paglilipat ng biyahe sa Tabon at Tambisaan Port ngayong
habagat season.
Sinabi din nito na pabor siya sakaling mayroong ordinansa
o resolusyong ipapatupad na hindi na kailangang ilipat ang biyahe sa Caticlan
Jetty port mula sa Tabon port sa panahon ng habagat.
Samantala, sakali umanong magkaroon ng ganitong ordinansa
ay welcome ito sa kanila para sa kapakanan ng mga pasahero na pumupunta sa isla
ng Boracay.
Inaasahan ding makikipagpulong ang PCG sa Jetty Port
Administration, maging sa mga boat at owners operators para sa southwest
monsoon.
Sa ngayon patuloy na rin ang paghahanda at pag-momonitor
ng Coastguard sa lagay ng panahon na makakaapekto sa maliliit na sasakyang
pandagat.
No comments:
Post a Comment