Posted May 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) Aklan
para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 2.
Patunay dito ang patuloy na ginagawang Brigada Eskwela sa
mga paaralan sa probinsya na sinimulan pa noong nakaraang linggo.
Ayon kay DepEd Aklan Education Program Supervisor Mary
Ann Salazar, mino-monitor na rin nila ang mga pangangailan ng paaralan para sa
pagbubukas ng klase.
Aniya, naka-focus naman sila ngayon sa isinasagawang
enrollment kung saan patuloy parin ang kanilang pagtanggap ng mga enrollees
hanggang sa pagbubukas ng klase.
Sinabi rin nito may mga ginawa ng insepksyon ang pamunuan
ng DepEd sa mga paaralan sa Aklan lalo na sa mga nangangailangan ng sapat na
tulong dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan at ilang kagamitan katulad ng
libro at upuan.
Nabatid naman na patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng
DepEd ng mga sirang class room, kabilang na ang pagdagdag ng silid-aralan.
Samantala, muling nilinaw ng DepEd na walang babayaran sa
oras ng enrolment sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
No comments:
Post a Comment