Posted May 26, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga
stakeholders, DOT Boracay, BRTF, DILG at ilan pang mga kawani ng LGU Malay.
Pinaplano na ngayong ipatupad ang proposed “Bamboo
Seawall” sa front beach ng isla.
Bagamat umani ng komento at ilang mungkahi,
nagkasundo din sa huli ang mga dumalo sa pulong at pumayag ang mga stake
holders na subukan ang nasabing plano ng LGU Malay.
Ayon sa isa sa mga stake holder, naiintindihan
umano nila na ang ninanais ng lokal na pamahalaan ay para sa ikabubuti ng lahat
at sa patuloy na ikagaganda ng Boracay.
Bagay na ipinasalamat naman ng LGU Malay.
Samantala, ang bagong seawall na yari sa kawayan ay
sinasabing malaki ang maitutulong sa baybayin ng Boracay lalo na pagdating ng
habagat.
Ito’y dahil sa babasagin umano nito ang alon na
hahampas sa dalampasigan upang maiwasang tangayin ang puting buhangin papunta
sa dagat.
Matatandaan na ang seawall ng mga establisyemento
sa Boracay lalo na sa dalampasigan ng Balabag ay isa sa mga nakikitang dahilan noon
ng beach erosion sa isla ayon sa mga dalubhasa.
Kaya bilang isa sa mga nakikitang solusyon ng
pamahalaang lokal ng Malay lalo ng Municipal Engineering Office at Municipal
Planning Office, i-prinesenta ni Engr. Elizer Casidsid ang disenyo ng seawall
kanina.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Municipal Planning
Office na naayon sa teknikal at syentipikong aspeto ang disenyo at hindi
magdudulot ng karagdagdagang problema sa erosion.
The idea is ok. Pero why we need to construct sea walls that is made of bamboo if we can plant coconut trees and lagaylay (it is cheaper than buying bamboos)? Why dont you believe to those scientists who presented the effects of sea walls? They studied for that walls for over a decade. Why dont we accept the fact that soil erosion is happening not just in Boracay.
ReplyDeletePlease do not close your mind to a facts. Dont use your methods as it is not yet proven, and if ,please show the details. You are not helping Boracay, you are killing Boracay.