Posted May 27, 2014
as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Boracay Redevelopment Task Force
(BRTF) ang pagtugon ng mga stake holders sa bagong disensyo ng Sea Wall sa
Boracay.
Sa ginanap na pagpupulong sa Boracay Action Center
kahapon ng umaga, ipinasalamat ng BRTF at maging ng iba pang kawani ng LGU
Malay ang pagsuporta ng mga stakeholder tungkol dito.
Ang bagong disenyo na iprenesenta ni Engr. Elizer Casidsid ng Municipal Engineering
Office ay naglalayong gawing yari sa kawayan ang mga seawall sa beach front.
Ito’y dahil sa babasagin umano nito ang alon na
hahampas sa dalampasigan upang maiwasang tangayin ang puting buhangin papunta sa
dagat.
Samantala, ang akmang desinyo ng seawall sa Boracay
ay para sa proteksyon ng mga establisyemento sa beach front, at nakikitang isa
sa mga solusyon para maiwasan ang sand erosion dito.
Matatandaan sa naunang mga ulat na nagkaroon ng
problema sa baybayin ng Boracay kung saan lumitaw ang mga tubo ng tubig, sewer
at kuryente kasabay ng naranasang beach erosion.
Gayunpaman, masaya umano ang task force na
humihingi sa kanila ng tulong ang mga nasabing establishment owner.
No comments:
Post a Comment