Posted May 26, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Muling ipinaalala sa selebrasyon ng Grand Boracay Flores
de Mayo ang kulturang Filipino at turismo sa isla.
Sa ginanap na awarding program ng Grand Boracay Flores de
Mayo nitong Sabado, sinabi ni BFI o Boracay Foundation Incorporated President
Jony Salme na mahalaga ang turismo sa isla.
Kaya naman unti-unti nila itong dinagdagan ng mga
aktibidad na may cultural component, katulad ng Flores de Mayo.
Sinabi pa ni Salme na naging maganda ang selebrasyon ng
Flores de Mayo ngayong taon kung kaya’t lalo pa umano nila itong palalaguin.
Samantala, sinabi naman ni Aklan SP Member Esel Flores sa
mismong awarding program na dapat ding ingatan ang mga kultura at tradisyong
Filipino, dahil ito rin umano ang tourist attaraction ng Boracay.
No comments:
Post a Comment