Posted
May 31, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Lumabas na ang
resulta sa ginawang pagsusuri sa natagpuang bungo at kalansay ng tao sa Boracay
dalawang linggo na ang nakakalipas.
Ito’y matapos ang
ginawang medico-legal examination ng Police Regional Office 6 crime laboratory.
Ayon kay Chief
Insp. Joe Martin Fuentes na-examine nila ang dalawang sets ng mga buto kung
saan ang isa nito ay sa tao at ang isang naman umano ay hindi galing sa tao.
Aniya, ang mga labi
ay maaaring pinag-mamayrian ng isang lalaking nasa edad na 12-17 anyos, at may
taas na 4’8 kung saan sinasabing namatay ng halos tatlumpong taon na ang
nakakalipas.
Sinabi pa ng medico-legal officer na hindi pa nila
matukoy ang ethnic origin ng natagpuang kalansay at kung ano ang dahilan ng
pagkamatay nito.
Dagdag pa ni Fuentes na ang nasabing resulta ay isusumite
sa police provincial Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Sa kabilang banda sinabi naman ni SOCO head Supt. Georby
Manuel na ini-imbistigahan pa nila ang lugar kung saan nakita ang mga buto at kung
ito ba ay burial ground o crime site.
Nabatid na ang kalansay ay natagpuan ng dalawang construction
worker sa isang contractions site sa Sitio Cagban, Manoc-Mano dalawang linggo
na ang nakakalipas.
No comments:
Post a Comment