Posted May 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aprobado na umano ang pagbili ng isang unit ng Fire Truck
ng bayan ng Malay matapos ang pag-aaral tungkol dito.
Ayon kay Secretary to the Sangguniang Bayan Concordia
Alcantara, aprobado na ito sa second reading ngunit muli pa umano itong
tatalakayin sa 3rd and final reading sa Session sa Martes para sa
pag-proseso.
Aniya, mayroong budgetary requirements dito ang Municipal
Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) dahil sa kanilang ginawang
pag-canvass na nagkakahalaga ng P3.8 milyon pesos.
Sa ngayon umano meron palang itong pondong P3.2 milyon
pesos mula sa 5 percent na trust fund ng MDRRMC sa nakaraang calamity fund noog
2013.
Sinabi pa ni Alcantara na kailangan pang kumuha ng
karagdagan pondo mula sa ibang fund para maabot ang target na P3.8 milyon
pesos.
Matatandaang hiniling ni Malay mayor John P. Yap sa
Committee on Budget and Appropriation na mag-laan ng pondo na P 3, 229. 424.20
para sa pagbili ng naturang fire truck.
Napag-alaman na hanggang ngayon ay wala paring sariling
Fire truck ang Malay kung kaya’t nais ng alkade na maisakatuparan ang kaniyang
hiling para sa kapakanan ng kaniyang nasasakupan.
No comments:
Post a Comment