YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 26, 2014

Pag-iral ng Habagat, pinaghahandaan na ng BRTF

Posted May 26, 2014
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

www.virafiles.com
Pinaghahandaan na ngayon ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ang pag-iral ng Habagat.

Katunayan, kinumpirma ni BRTF Secretary Mabel Bacani sa kanyang text message na makikipagpulong sila ngayong araw sa mga station 1 establishment owners sa isla lalo na ang may mga sea walls sa kanilang beach front property.

Layunin umano ng pagpupulong na pag-usapan ang desinyo ng mga wind breakers at bamboo wave breakers na ilalagay ng mga nasabing establishment owners.

Sinabi pa ni Bacani na pag-uusapan din sa pulong ang matagal nang problema sa isla tungkol sa sand erosion.

Samantala, nauna nang nagpulong ang BRTF at ang mga establishment owners nitong nakaraang taon tungkol naman sa alternatibong desinyo ng sea wall matapos itong ipagiba ng task force dahil sa 25+5 meter easement.

No comments:

Post a Comment