Posted April 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakabalik na sa puwesto si Yapak Brgy. Captain Hector
Casidsid matapos itong masuspendi ng dalawang buwan dahil sa umano’y
misconduct.
Naging emosyonal ito sa kaniyang pagbabalik kahapon kung
saan mainit siyang sinalubong ng ilan nitong konsehales at mga brgy. Officials.
Nabatid na sinabi ng Kapitan na ipagpapatuloy umano nito
ang kaniyang mga nasimulan para sa mas ikakaganda at ikakaunlad pa ng kanilang
brgy.
Matatandaan na naghain ang office of the mayor ng Malay ng
isang suspension order na nilagdaan ni mismong Mayor John Yap laban kay Kap
Hector nitong nakaraang buwan ng Pebrero.
Matapos umano nitong nilabag ang solid waste
management laws matapos nitong gawing open dumpsite o tambakan ng basura ang
isang lote na pagmamay-ari ni Leo Tirol.
Naghain naman ng pormal na reklamo noong 2012 si Tirol
tungkol dito, dahilan upang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman Visayas kay
Mayor John Yap na ipatupad ang nasabing penalidad.
Si Casidsid ay nasuspendi noog buwan ng Pebrero a-10
hanggang April 10 ng taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment