Posted April 12,
2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tinitingnan na rin sa ngayon ng local ng pamahalaan
ng Malay kung dadagdagan ang mga beach garbage bins sa isla.
Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño.
Makikipag-ugnayan pa sila sa Material Recovery
Facilities (MRF) kung may mga garbage bins pa doon na maaaring maidagdag sa mga
nailagay nang basurahan sa front beach ng isla.
Aminado rin kasi si Sacapaño na may mga residente
at turista parin talagang pasaway na kung saan-saan lang itinatapon ang kanilang
basura.
Samantala, kaugnay rito, nanawagan din si Sacapaño
ng suporta mula sa mga establisyemento para sa kalinisan ng isla ngayon Semana Santa.
Paalala din nito na mahigpit na ipinagbabawal ang
pagkakalat ng basura sa front beach at kung sino man ang mahuhuli rito ay
maaaring pagmultahin o bigyan ng penalidad.
Paliwanag pa ni Sacapaño na ang ginagawang
paghihigpit ng local na pamalaan ay hindi lamang para sa mga mamamayan kundi
para narin sa mga turista at sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment