Posted April 8, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Iginiit ngayon ni Datu Yap Sumndad na mapayapa ang kanilang
ginawang pag-take over sa Friday’s Boracay.
Bagama’t tumangging magbigay ng recorded interview,
sinabi nito na wala silang ginawang pangha-harass doon, na taliwas naman sa
naging pahayag ni BHI o Boulevard Holdings Inc. Chairman Jose Marcel Panlilio.
Sa report ni Panlilio sa Philippine Stock Exchange, sinabi
nito na bumagsak ang operasyon ng Friday’s Boracay, dahil sa umano'y mga aramadong sibilyan na dala ni Datu doon.
Nabatid na dalawang milyong piso ang gross profit o
kabuuang kita kada linggo ng Friday’s Boracay, subali’t bumagsak umano ito sa
kabila ng peak season ngayon.
Samantala, iginiit din Sumndad na nagtapos na ang 25
taong pangungupahan ng Friday’s Boracay sa kanilang lupa, kung kaya’t tineyk-over
nila ito.
Mariin din nitong itinanggi ang akusasyon ni Panlilio
na kaya nila tineyk-over ang lupa, dahil ibibenta nila ito kay dating Ilocos
Sur 1st District Representative Ronald Singson.
Nangyari ang take over sa Friday’s Boracay nitong
nakaraang Pebrero 15, 2014 nang mag-expire ang kontrata ng Friday's kina Sumndad nitong nakarang Pebrero 14.
No comments:
Post a Comment