Posted April 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa Other matters sa Malay SB Session kahapon,
sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na maaari nilang e-re-adopt ang nagdaang
resolusyon para dito.
Ganito rin umano ang ginagawa ng mga nagdaang
administrasyon kung saan pansamantalang ipinatigil ang lahat ng mga nagpapatugtog
ng musika sa isla ng Boracay.
Nabatid na maaari nilang ipatupad ito sa araw ng
Biyernes Santo simula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon.
Bagamat isang araw lang itong ipagbabawal nais
naman ng SB Malay na makiisa ang lahat ng mga establisyemento sa isla ng
Boracay para sa pag-gunita ng Holy Week.
Samantala, magbibigay naman ang abiso ang LGU Malay
tungkol dito para sa lahat ng mga business establishment sa Boracay lalo na sa
mayroong malalakas na tugtugin kagaya ng tambol at ibat-ibang music instrument
na nakakaagaw atensyon sa paggunita ng Semana Santa.
No comments:
Post a Comment