Posted April 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ok kay Mayor John Yap sakaling tawaging "Fire Dance Capital of the Philippines" ang isla ng Boracay.
Reaksyon ito ng alkalde kaugnay sa mga fire dancers
na talagang nakakatawag- pansin sa mga turistang dumadaan sa beach front pag
gabi.
Kapansin-pansin kasi ang paghanga ng mga turista sa
nasabing panggabing atraksyon, na kadalasang nagpapalitrato sa mga fire dancers
bilang souvenir.
Magkaganon paman, muling ipinaalala ni John Yap ang
mga regulasyon kaugnay sa pangangalaga sa puting buhangin ng isla, na siya namang
dinadayo ng mga turista sa Boracay.
Samantala, kasabay ng paalala, tiniyak naman ng
alkalde ang seguridad ng mga turista ngayong summer season sa Boracay.
Maaalalang ikinabahala din ng Department of
Tourism (DOT) ang umano’y banta sa kalusugan ng ginagamit na gas ng mga fire dancers.
No comments:
Post a Comment