Posted April 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iminungkahi ni Malay SB Member Floribar Bautista na magpasa
ng resolusyon ang SB para sa biyahe ng mga bangka sa Tabon Port.
Sa session ng SB Malay kahapon kung saan napag-usapan ang
paghahanda ng nasabing pantalan para sa papalapit na Habagat Season.
Sinabi ni Bautista na nakakalito ang biyahe ng mga bangka
sa Tabon Port dahil ibinabalik pa ang biyahe nito sa Caticlan Port kahit hindi
naman malakas ang alon.
Samantala, isang draft resolution ang inihanda ng SB
Malay para muli itong talakayin at mapagdisisyonan sa susunod na session.
Nakasaad sa resolution na tuwing Habagat season ay
kinakailangan sa Tabon Port lang ang biyahe ng mga bangka at hindi na ito ibinabalik
pa sa Caticlan at Cagban Jetty Port hanggang sa hindi natatapos ang Habagat.
Isa naman sa pinaghahandaan ngayon ng LGU Malay ang pagpapaganda
ng Tabon Port maging ang kalsada dito dahil ayaw umano nilang makatanggap ng pangit
na kumento mula sa mga bisitang dumadayo sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment