Posted April 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inireklamo sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang isang Hungarian national matapos na umano’y manggulo at hamunin ng
suntukan ang isang Australiano.
Ayon sa report ng Boracay PNP, nagwawalis di umano
ang asawa ng Australianong si Richard Hennekam, nang nilapitan at galit na
kinompronta ng Hungarian national na si Daniel Melczer.
Sinabihan sya umano nito kung natanggap nila ang
sulat mula sa may-ari ng kanilang tinutuluyang apartment na nagsasabing alisin
na ang kanilang aso doon dahil sa marami na umano ang nakagat nito.
Dahil sa takot, tumakbo umano ang asawa ng
Australiano na si Jocelyn Hennekam papunta sa kanilang kwarto at isinara ang
gate sa kanilang veranda habang hinahabol naman ni Melczer.
Dahil sa ingay na narinig, lumabas ang Australiano
at doon na ito pinaghahamon ng suntukan ng Hungarian national.
Kaagad namang inilayo ang nasabing Hungarian ng
kasintahan nito sa lugar para hindi na lumala ang sitwasyon.
Samantala, minarapat namang ipinaubaya ng Boracay
PNP sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc Boracay ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment