Posted April 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www,goggle.com |
Kasado na ang mga schedule of activities ng HRP o Holy
Rosary Parish Boracay para sa Semana Santa.
Katunayan, inaasahang dadagsa na naman ngayong Linggo ang
mga debotong Katoliko sa Balabag plaza para sa palaspas o Blessing of the Palms
bandang alas 7:00 ng umaga na susundan naman ng isang misa.
Sa mga taga Yapak, isang misa din ang gaganapin sa alas
6:00 ng umaga pagkatapos ng palaspas, habang alas 8:30 naman sa Manoc-manoc
Chapel.
Isang kumpisalang-bayan din ang magaganap pagkatapos ng
misa sa araw ng Martes Santo sa alas-otso ng umaga, kung saan may paring
darating mula sa iba’t-ibang parokya na tutulong sa pagpapakumpisal.
Sa Holy Thursday o Huwebes Santo, isang misa ang
isasagawa para sa Last Supper, samantalang sa araw naman ng Biyernes o Good
Friday, isang Live Station of the Cross ang masasaksihan ng mga turista mula sa
beach front ng Brgy. Manoc-manoc hanggang sa Brgy. Balabag.
Samantala sa Abril-19, Black Saturday, isang Vigil Mass
din ang gaganapin sa nasabing simbahan at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday ang
pagsalubong o paggunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo Hesus.
Inaasahan naman ng HRP-Boracay na maraming mga Katoliko
ang makikilahok sa mga nasabing aktibidad, hindi lang ang mga mamamayan sa isla
kundi maging mga turista na dadayo sa Boracay ngayong Semana Santa.
No comments:
Post a Comment