Posted April 10, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon ng Aklan Provincial Government
ang mas magandang crisis management sa Kalibo Airport.
Kasunod ito ng nangyaring hindi pagkakaintindihan
sa pagitan ng mga tsinong pasahero at ilang piloto ng Cebu Pacific sa Kalibo
International Airport (KIA) nitong nakaraang linggo, dahilan upang ipinatawag
ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang crisis management team ng KIA.
Sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga taga Civil
Aviation Authority of the Philppines (CAAP) at Kalibo Airport Manager Cynthia
Aspera.
Sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na
hindi na dapat pang maulit ang nangyaring komosyon.
Nabatid na nasa 170 na mga pasahero ang na-stranded
nang magdesisyong bumalik ang mga piloto ng nasabing eroplano sa KIA na papunta
sanang Shanghai-China dahil sa umano’y hindi magandang panahon.
Samantala, sa April 14 naman ay magkakaroon ang
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ng isang joint committee hearing hinggil sa
mga naglabasang isyu sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment