Posted
April 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinasa na ng Boracay Foundation Inc. ang kanilang ikalawang
taong pag-organisa ng Flores De Mayo sa isla ng Boracay.
Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, sa
Mayo-24 na ito gaganapin na lalahukan ng mga dalaga mula sa ibat-ibang business
establishment sa isla.
Kaugnay nito isa umanong misa ang kanilang isasagawa sa Balabag
Church simula alas-tres ng hapon na susundan naman ng parada sa beach front hanggang
sa isang resort sa station 2 para ganapin ang awarding.
Bagamat matagal pa, patuloy parin ngayon ang pagtanggap
ng mga aplikante ng BFI na nais sumali sa kanilang aktibidad o hiranging Reyna
Elena ng Boracay ngayong taon.
Nilinaw pa nito na kahit hindi miyembro ng kanilang
foundation o walang kinabibilangang organisasyon ay maaaring sumali dito lalo
na ang mga residente ng Boracay.
Inaasahan naman ng nasabing foundation na marami ang sasali
ngayong taon dahil na rin sa may kaibahan ito kumpara sa ibang Flores De Mayo
sa bansa.
Dagdag pa ni Miraflores taon-taon na umano nila itong
gagawin para mayroong bagong aabangan ang mga turistang dadayo sa Boracay dahil
bukod sa mgandang tanawin.
Samantala, maaari namang lumahok dito ang mga babaeng may-edad
14-anyos pataas para sa Flores De Mayo ng Boracay 2014.
No comments:
Post a Comment