Posted April 10, 2014 as of 6:00pm
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang pinasiguro ni Boracay Water Customer Representative
Officer Acs Aldaba ng Boracay Island Water Company o BIWC kaugnay sa inaasahang
pagtaas ng demand sa water supply sa Boracay ngayong summer.
Aniya, matagal na rin umano nila itong napaghandaan
dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng maraming turista sa isla lalo na sa
Semana Santa.
Nangako naman ito na 24/7 o tuloy-tuloy ang
kanilang pagbibigay ng suplay ng tubig sa Boracay.
Kung sakali naman umanong magkaroon ng power
interruption sa isla ay mayroon na rin silang nakahandang generator para hindi
maantala ang pagbibigay ng tubig sa mga establisyemento at sa mga kabahayan.
Ang BIWC ay siyang pangunahing kompanya na
nagsusuplay ng tubig sa isla ng Boracay at kinokonektahan ng mga sewer line ng
mga business establishment at mga bahay sa Boracay.
No comments:
Post a Comment