Posted April 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masyadong mataas ang nasa mahigit 200 porsyento na
itataas sa bayarin ng buwis para sa isla ng Boracay.
Ito ang saloobin ng mga real property owners sa
Boracay hinggil sa bagong panu
kalang Base Market Values para sa Malay, Caticlan
at Boracay.
Kaya naman sinabi ngayon ni Boracay Foundation Inc.
(BFI) President Jony Salme, na magpapadala ng position letter ang BFI upang
ipaabot sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang kanilang mga suhestiyon.
Ayon kay Salme, sa ngayon ay dina-draft palang nila
ang nasabing sulat at balak ipadala sa Aklan Provincial Government sa lalong
madaling panahon.
Samantala, nabatid sa isinagawang Public Hearing ng
SP Aklan nitong April 4 sa isla na kinuwestiyon ng mga real property owners ang
itinaas ng kanilang babayarang buwis sa taong 2015.
Subalit, nabatid naman sa paliwanag ng Provincial
Assessor na kaya umabot sa 200 hanggang 300 porsiyento ang buwis na babayaran
ng mga real property owners sa Boracay at Malay ay dahil pansamantalang
isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General
Revision ng Base Market Values, sanhi ng mga nagdaang kalamidad sa Aklan.
No comments:
Post a Comment