Posted
April 7, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Bumagsak sa kamay ng mga taga Boracay PNP ang ikaanim na most wanted
person sa bayan ng Malay.
Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Domingo Casiple Jr.,
Presiding Judge RTC Branch 7, Kalibo nitong nakaraang October 1, 2013.
Naaresto ng mga operatiba nitong hapon sa Sitio Bantud Barangay
Manoc-manoc ang wanted na si Janjan Martin y Tayatay na kilala rin sa pangalang
Raffy Martin y Tayatay, 27 anyos at residente ng nasabing barangay.
Nabatid na may kasong pagnanakaw sa ilalim ng criminal case number
11151 si Tayatay kung saan nakapako sa isang daang libong piso ang inirekomendang
piyansa nito.
Kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Boracay PNP si Tayatay para sa
karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment