Posted April 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang pantapat ng Boracay Island Water Company
(BIWC) sa uhaw ng publiko ngayong Semana Santa sa isla.
Ayon kay Boracay Water Customer Service Officer Acs
Aldaba.
Maglalagay umano sila ng free drinking water
station sa beach front ng Station 1 hanggang Station 3 Boracay sa darating na araw
ng Huwebes Santo hanggang sa araw ng Linggo simula alas-9 ng umaga hanggang
alas-4 ng hapon.
Nais umano kasing makatulong ng BIWC sa mga turista
na nahihirapang humanap ng mabibilhan ng tubig at sa mga nais magtipid.
Napag-alamang ang nasabing kumpanya ay kalimitang
naglalagay ng libreng tubig para sa publiko sa tuwing may mga malalaking event sa
isla.
samantala, inaasahan naman ang pagdagsa ng napakaraming turista sa isla ng Boracay ngayong Semana Santa.
No comments:
Post a Comment