Posted April 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Katunayan, sinabi ni PRC Malay-Boracay Chapter
Deputy Administrator John Patrick Moreno na patuloy ang kanilang pagtanggap ng
mga volunteers at pagbibigay ng mga trainings sa first aid at life saving.
Maliban dito, sang-ayon din si Moreno na
makakatulong sa pagligtas ng buhay lalo na sa gabi, kung sasanayin ang mga
masahista ng MABOVEN o Malay –Boracay Vendors Peddlers Ambulant Masseurs &
Manicurist Association, Inc.
Aminado rin kasi ito na kulang talaga sila sa work
force kung kaya’t hindi rin nila marerespondehan ang insidente ng pagkalunod sa
gabi.
Samantala, sinabi pa ni Moreno na maglalagay sila
ng mga first aid stations sa Boracay para sa Holy Week.
Nabatid naman na ang mga taga MABOVEN ang asosasyon
na natitira sa beach front kung gabi hanggang madaling araw na maaaring
makaresponde sa mga insidente ng pagkalunod sa gabi.
No comments:
Post a Comment