Posted April 10, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ng ilan sa mga nagtitinda sa isla sa
kabila ng pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista para magbakasyon.
Ayon sa fruit vendor na si “nonoy”, ganoon parin
ang presyo ng kanilang mga tinitindang prutas at wala namang balak na itaas ang
presyo nito.
Samantala, aminado rin ang mga nagtitinda ng prutas
sa Boracay na mas malakas ang kanilang kita ngayon kumpara sa mga nakaraang
buwan dahil sa mainit ang panahon at marami ang mga gumagawa ng fruit shakes.
Nabatid na patok sa mga turista dito ang banana
shake, mango with papaya-shake, avocado, at water melon with milk shakes.
Ang fruit shake ay isa naman sa mga lokal ngunit
sikat na palamig sa Boracay na karaniwang mabenta sa mga turista.
No comments:
Post a Comment