Posted April 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa kabila ito ng pagpapasiguro ng National Grid
Corporation of the Philippines (NGCP) na minamadali nila ang pagsasaayos ng mga
nasirang Panit-an-Nabas transmission line.
Naaantala pa rin kasi ang kanilang ginagawang
rehabilitation at restoration project dahil sa problema sa right of way.
Sa isang press conference, sinabi ni NGCP Panay
District Head Rey Jaleco na may mga lot owners na ayaw itayo sa kanilang lupa
ang mga Emergency Restoration System (ERS) ng NGCP.
Ito rin ang dahilan kung bakit aminado si Jaleco na
hindi nila matatapos ngayong buwan ng Abril ang nasabing proyekto.
Magkaganon paman, sinabi pa nito na nakipag-ugnayan
na sila sa pamahalaang probinsya ng Aklan upang matulungan sila sa nasabing
problema.
Matatandaang ikinabahala din ni mismong Aklan Vice
Governor Gabrielle Quimpo ang problemang kinakaharap ng NGCP kung kaya’t pinaghahanda
nito ang mga stakeholders sa Boracay.
No comments:
Post a Comment