Posted April 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umaalingaw ngaw na mga sasakyan ng bombero ang
sunod-sunod na rumisponde sa nangyaring sunog sa Sitio. Cagban Brgy.
Manoc-manoc kahapon ng tanghali.
Ayon sa Boracay Fire Protection Unit (BFP) isang tawag umano
ang kanilang natangap mula sa isang empleyado ng Asya Premier Suites sa
nasabing lugar kung saan nasusunog umano ang kanilang Forest Area.
Dito agad namang rumispondi ang mga bombero ng BFP para
apulahin ang nasabing sunog kasama ang g ilang fire truck ng private agencies
sa Boracay at isang ambulansya.
Basi sa impormasyon, isa umanong guwardiya ng hotel ang
nakakita na mayroong mga kabataan ang dumaan kung saan naganap ang sunog at
makalipas ang ilang minuto ay bigla nalang nagliyab ang mga halaman kabilang na
ang mga punong kahoy.
Nabatid na halos 200 square meter ang lapad ng lupain na
puno ng mga halaman ang nasunog kahapon ng tanghali.
Napag-alaman na kung hindi agad ito naapula maaaring
magkaroon ng grass fire na posibleng makaapekto sa mismong hotel ng Asya
Premier Suites.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing
sunog kung saan agad naman itong na idiniklarang fire out matapos ang
pagrespondi ng mga nasabing bombero.
No comments:
Post a Comment