Posted April 8, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tiniyak ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang
seguridad ng publiko lalo na ang mga turista at bakasyonistang dadagsa sa
darating na Semana Santa.
Ayon kay DOT Boracay Officer-In-Charge, Tim Ticar,
kasama ang iba’t-ibang mga ahensya ay handa na umano ang isla para sa seguridad
at kaligtasan ng mga magbabakasyon lalo na’t dagsa
na rin ngayon ang mga lokal at dayuhang turista sa Boracay.
Samantala, idinagdag pa ni Ticar na magkakaroon din
ng public assistance center sa mga matataong lugar para magbigay ng libreng
tubig sa mga nais makibahagi sa paggunita ng Semana Santa.
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Ticar sa publiko
lalo na sa mga naliligo sa baybayin na mag-ingat at hanggat maaari ay iwasang masangkot
sa mga petty crimes sa isla.
Samantala, maliban umano sa puwersa ng Philippine
Coastguard, Navy at mga force multiplyers, police visibility naman ang tiniyak
ng DOT at Boracay PNP Station para sa mga turista sa Boracay.
No comments:
Post a Comment