Posted April 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa hindi nagustuhang “Joke”, isang security guard
ang nanakit ng babae sa Sitio. Tulubhan Brgy. Monoc-Manoc isla ng Boracay
kahapon.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, isang ginang umano
ang dumulog sa kanilang tanggapan para ireklamo ang isang security guard na
nanakit ng kaniyang pamangking babae.
Kinilala ang biktimang si Karina Joy Salminao, 22-anyos
housekeeping staff sa isang resort sa isla ng Boracay at tubong Brgy. Alimbo
Baybay, Nabas, Aklan.
Basi sa salaysay ng biktima, nakuha umano niyang
makipagbiruan sa suspek na kinilalang si Rommel Saplit, 30-anyos at security
guard din sa resort na pinagtratrabahuhan nito.
Ikinagulat na lamang umano nito ng bigla siyang sampalin
ng suspek sa mukha matapos na hindi nito nagustuhan ang kaniyang pagbibiro kung
saan nasundan pa ito ng batok sa ulo.
Dahil dito agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga
kapulisan, kung saan ang nasabing kaso ay ini-referred na lamang sa Brgy.
Justice System ng Brgy. Manoc-Mnoc Boracay para sa proper disposition.
No comments:
Post a Comment