Posted April 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang Tabon
Port Sa Brgy. Catclan para sa darating na habagat season.
Sa ginanap na SB Session ng Malay kahapon, napag-usapan
ng mga konsehales kung ano na ang mga preparasyon ang mga ginawa ng mga
kinauukulan dito.
Ayon kay Malay Liga President Abram Sualog, binibigyan na
nila ito ng atensyon lalo na ang mga pasilidad sa nasabing pantalan para sa mga
pasaherong dadaaan dito lalo na sa mga turista.
Nabatid na bago matapos ang taong 2013 naumpisahan ng
maipagawa ang ibang pasilidad ng Tabon Port kabilang na ang nagsisilbing rampa
o maliit na tulay pasakay o pababa ng mga bangka.
Matatandaang nauna ng sinabi ng LGU Malay na lalo pa
nilang pagagandahin at e-u-upgrade ang terminal ng Tabon maging sa pagsasa-ayos
ng Manoc-Manoc Port.
Samantala, ang nasabing pantalan ay ginagamit lamang
kapag malakas ang alon sa regular na ruta ng bangka sa Caticlan at Cagban Jetty
Port lalo na sa panahon ng habagat patawid ng Tambisaan Port sa Manoc-Manoc.
No comments:
Post a Comment