Posted April 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bagamat may ordinansang nagre-regulate sa mga kasiyahan
at events tuwing Semana Santa sa isla ng Boracay.
Sinabi ngayon ni Department of Tourism (DOT)
Officer In Charge Tim Ticar na isa ang mga “party” sa isla na kanilang
tinututukan sa panahon ng kwaresma.
Ito’y bilang pagsuporta din sa panawagan ng LGU
Malay at Simbahang Katoliko sa Boracay na bigyang daan ang pagninilay-nilay sa
Semana Santa.
Samantala, nabatid naman na nitong Martes ay
napag-usapan sa Malay SB Regular Session na bawal muna ang pag-iingay sa
Boracay pagsapit ng Good Friday o Biyernes Santo.
Ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng mga
nagpapatugtog ng musika sa isla ay upang bigyang daan ang pagninilay-nilay ng
mga katoliko.
Dinadayo ng mga turista sa Boracay ang kaliwa’t
kanang beach party sa isla kapag summer season lalo na kahit pagsapit ng Holy
Week.
No comments:
Post a Comment