Posted March 31, 2014 as 0f 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaya naman muling nagsanib-puwersa bilang
paghahanda ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa Aklan.
Sa isang pagpupulong na ginanap nitong Sabado,
nagpahayag ng kahandaan ang pamahalaang probinsya ng Aklan, kasama ang DOT o
Department of Tourism Boracay sub-office, MARINA, Maritime Police, Boracay PNP,
Philippine Coastguard at iba pa para sa seguridad ng nasabing barko.
Bagay na pinasalamatan ni Jetty Port Administrator
Nieven Maquirang.
Samantala, muli namang nagkasundo ang mga nasabing
ahensya na walang anumang pagbabago sa kanilang paghahanda sa pagdating ng MS
Super Star Aquarius.
Nabatid na magdadala na naman ng mga turista sa
Boracay ang nasabing barko kung saan inaasahan itong darating bukas ng alas 5:
oo ng umaga, at aalis sa 3: 00 ng hapon.
Una nang bumisita sa isla ang MS Super Star
Aquarius nitong nagdaang buwan ng Nobyembre.
No comments:
Post a Comment