Posted April 2, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Matatandaang ito ang paalala ng Department of
Health (DOH) sa publiko hinggil sa pagtaas ng mainit na temperatura sa bansa
dulot ng tag-init.
Kaugnay nito, isang Chinese National na
nagbabakasyon sa isla ng Boracay ang inatake ng “heat stroke” habang naglalakad
sa beach front ng Balabag Boracay nitong Linggo.
Ayon sa report ng mga taga Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC), naglalakad sa beach front ng Station 1 Balabag
Boracay bandang ala una ng hapon ang lalaking Chinese national na si Yang Lin,
57 anyos nang bigla na lamang natumba at nawalan ng malay.
Agad umano itong dinala sa isang clinic sa isla
subalit ideneklara ng “Dead-on-Arrival” ng doktor.
Kasalukuyan naman sa ngayon inaasikaso ang bangkay
ng biktima pabalik sa kanilang bansa.
No comments:
Post a Comment