Posted April 4, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) ang magkaibigang Malaysian national matapos na mabiktima ng
snatching sa Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad sa
Balabag Boracay ang mga biktima na sina Hui Ling Lee, 26- anyos at Tan Cheong
Yee, 48- anyos ng Johor Malaysia bandang alas singko kanina ng madaling araw
nang biglang ambangan ng hindi kilalang suspek at hinablot ang dala-dalang bag
ni Lee.
Ayon pa sa report, agad umanong humarurot ang
nasabing lalaki at sumakay sa isang motorsiklo upang agad na makatakas.
Natangay naman ng suspek ang ilan sa mga
importanteng gamit ng biktima, tulad ng Samsung Galaxy Note III at pera na
nagkakahalaga ng 400 US Dollar.
Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang
imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment