Posted April 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
“Iba na ang maingat at huwag malingat”
Ito’y upang hindi mabiktima ng salisi o kawatan, lalo na
ngayon at dumarami pa ang mga turista sa Boracay para sa kanilang summer
vacation.
Payo pa ito ng mga otoridad sa isla kaugnay sa serye ng
nakawang naitala sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, kung saan ay
pinakahuling nabiktima ang isang Chinese National.
Basi sa report ng Boracay PNP, kumakain umano ang biktima
sa isang restaurant sa Station 1 Brgy. Balabag isla ng Boracay para sa kaniyang
tanghalian.
Pero dahil sa may kaliitan ang kaniyang lamesang
pinagkakainan napagdesisyonan nito na ilagay ang kaniyang bitbit na kamerang
Canon D7000, na kulay itim sa katabi nitong lamesa saka tuloy-tuloy na kumain.
Gayunpaman, pagkalipas ng dalawangpung minuto ng muli
nitong tingnan ang kaniyang camera sa kabilang lamesa ay laking gulat nalang
nito na wala na ito sa kinalalagayan.
Dahil sa dito napagdesisyonan ng biktima na agad ireport
sa Boracay PNP ang kaniyang nawawalang camera.
No comments:
Post a Comment