Posted April 3, 2014 as of 6:00pm
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos aprobahan ng SP Aklan ang hirit ng mga stake holders at
mga tax payers sa isla ng Boracay at bayan ng Malay na magkaroon ulit ng Public
Hearing hinggil sa Base Market Values.
Matatandaang humirit ng isa pang public hearing ang mga nasabing stake
holders at mga tax payers, matapos mabatid na hindi umabot sa 50 porsiyento ang
dumalo sa naunang public hearing nitong nakaraang buwan.
Kaugay nito, inaasahang mas marami nang stake holders at mga tax payers
ang makapagpapaabot ng kanilang hinaing tungkol sa isinusulong na bagong
ordinansa sa bayarin ng buwis.
No comments:
Post a Comment