Posted March 31, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito’y upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang iba’t-ibang
ahensya na bahagi ng cruise ship tourism sa Boracay.
Sa ginanap na pagpupulong nitong Sabado kaugnay sa
pagbisita ng MS Super Star Aquarius bukas.
Sinabi ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang
na nararapat na mabigyang pansin ang mga problema kaugnay sa pagbisita ng mga
cruise ship katulad ng seguridad, problema sa immigration at quarantine.
Samantala, ipinagmalaki din nito ang isla ng
Boracay bilang cruise ship destination, dahil sa dami ng mga aktibidad na
maaaring kahumalingan ng mga turistang bababa.
Ayon naman kay Department of Tourism (DOT) Officer
In charge Tim Ticar, kasama sa mga ahensyang sasailalim sa nasabing work shop
ang mga taga MARINA, Maritime Police, Boracay PNP, at Philippine Coastguard.
No comments:
Post a Comment