Posted April 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinababahala ngayon ng Provincial Health Office o PHO
Aklan ang maaaring paglaganap ng rabies ngayong panahon ng tag-init.
Ayon sa nasabing ahensya, umaatake ang rabies sa tuwing
papasok ang summer kung saan nagiging iretable ang mga aso dahil sa matinding
init.
Dahil dito pinaalalahanan ng PHO ang publiko lalo ang mga
magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak na huwag hayaang makipaglaro
sa mga galang aso lalo na at kung itoy parang balisa.
Isa rin sa suhestisyon ng kanilang tanggapan ay dapat na
pabakunahan ang kanilang mga alagang aso para mailayo sa rabies.
Ayon pa sa PHO, sakaling makagat ng aso ang isang tao ay
dapat na linising mabuti ang sugat sa pamamagitan ng tubig at sabon.
Kinakailangan din umanong bantayan ang kondisyon o
kondisyon ng isang asong nangagat kung ito ba ay may rabies sa pamamagitan ng
kaniyang pagiging balisa at wala sa sarili hanggang sa ito’y tuluyang mamatay.
Sakali naman umano na makagat ng aso ay dapat dalhin agad
sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng agarang lunas.
Samantala sa Boracay, napakarami pa ring asong-gala na
sadyang napakadelikado sa mga turista at lokal na residente ng isla.
No comments:
Post a Comment