YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 03, 2014

Seguridad para Semana Santa, pinaghahandaan na ng PCG Caticlan

Posted April 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakaalerto na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan dalawang linggo bago ang Semana Santa.

Ayon kay Philippine Coast Guard Station Commandant Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno, magkakaroon umano sila ng mga response team sa Cagban at Caticlan Jetty Port kung saan maglalagay din sila ng medical personnel at hotline para sa mga pasahero.

Inaasahan umano kasi nila ang pagdagsa ng libu-lubung mga pasahero ngayong Semana Santa na karamihan ay tutungo sa Boracay at ilang lugar sa probinsya ng Aklan.Dagdag pa ni Vigno, magpapakalat rin sila ng mga K-9 unit, emergency response team at help desk sa mga nasabing pantalan kabilang na ang Dumaguit Port sa bayan ng New Washington Aklan.

Photo credit by www.calendario2014.org.
Tiniyak naman ng PCG na imomonitor nila ang lahat ng mga sasakyang pandagat sa oras ng Semana Santa para sa siguridad ng mga turistang dadayo sa isla ng Boracay.

Ngayon umanong Abril 14 nila sisimulan ang kanilang special operation para sa Semana  Santa hanggang sa Abril 20, 2014.

Ang tema naman ng Philipiine Cost Guard ngayong taon ay “Oplan ligtas biyahe kwaresma 2014”.

Samantala, inatasan din Vigno ang mga PCG personnel na maging mapagmatyag sa lahat ng oras kabilang na ang paghihigpit sa mga pagsususri ng mga bagahi ng mga pasahero.

Katuwang naman ng Coast Guard para dito ang Department of Transportation and Communications (DOTC), Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority, PCG Auxiliary at Philippine National Police (PNP).

No comments:

Post a Comment