Posted April 1, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Epektibo ngayong unang araw ng Abril, batay sa
ibinabang Memorandum Order ni Malay Mayor John Yap.
Mahigpit na
ipatutupad ang pagsuspende o hindi pagbibigay ng licensing department ng LGU
Malay ng Building Permit sa mga aplikanteng nais magtayo ng gusali sa Boracay.
Inilatag sa nilalaman ng Executive Order No.
006 series of 2014 ng alkalde, na kung sino man ang
nakapagtayo na ng mga building at mayroon nang building permit ay
hindi maapektuhan nito.
Malinaw rin na nakasaad na ang mga re-construction
sa mga pampublikong gusali ay hindi saklaw ng nasabing moratorium.
Layunin ng lokal na pamahalaan ng Malay na habang
epektibo pa ang Moratorium, ay dito nila ipapatupad ang rehabilitasyon sa
Boracay, sa lahat ng aspeto ng isla.
Hindi lamang sa mga gusali at kapaligiran kundi sa
iba pang bagay at serbisyo sa turista para makasabay din ang Boracay sa
international standard.
Samantala, umaasa naman ang alkalde na
mapapanindigan at maisasakatuparan ito sa tulong ng lahat.
No comments:
Post a Comment