YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 04, 2014

PRC, makikipagsanib pwersa sa MDRRMO para sa Blood Letting Activity ngayong araw

Posted April 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Para makilukum ng dugo makikipagsanib pwersa ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa MDRRMO para sa Blood Letting Activity ngayong araw.

Ayon sa Philipine Red Cross Boracay-Malay Chapter magsisimula ang kanilang aktibidad mamayang alas-nueve ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa Malay SB Session Hall.

Ito umano ang kanilang pangalawang beses na makipagtulungan sa Municipal Risk and Reduction Management Office o MDRRMO.

Nabatid na layunin ng mga nasabing organisasyon na makalikom ng dugo para sa mga pasyenteng higit na nangagailangan nito.

Samantala, nag-paalala naman ang PRC sa mga nais mag donate ng dugo na kinakailangan lamang na may sapat silang walong oras na tulog, hindi naka take ng gamot sa loob ng 24-oras, hindi nakapagpa-tattoo sa isang taon, hindi nakainom ng alak at hindi nakapagsigarilyo.

Mahigpit din nilang ipinagbabawal ang pag do-donate ng dugo sa mga kababaihan na mayroong menstruation at higit sa lahat ay ang mga nagdadalang tao.

Umaaasa naman ang MDRRMO at Philippine Red Cross na maraming mamamayan ng Malay ang handang mag donate ng kanilang dugo para makatulong sa kanilang mga kababayan.

No comments:

Post a Comment