Posted April 1, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kapansin-pansin din ang pag-iba ng
daloy ng mga pasaherong papasok at lalabas ng isla.
Maliban dito, kapansin-pansin din
ang mas mahigpit na seguridad sa nasabing pantalan, dahil sa dinobleng
presensya ng police, coastguard, maritime police, at army.
Dumating na kasi ngayong umaga ang
mga turistang sakay ng inaabangang MS Super Star Aquarius.
Kagaya ng inaasahan, mag-aalas 5
na kanina nang dumating ang nasabing cruise ship, na may pasaherong umaabot sa
isang libo kasama na ang crew.
Nabatid na mamamasyal ang mga
pasehero ng Super Star Aquarius sa mga lugar o area of interest sa isla, katulad
ng long beach, Ati Community, D’mall of Boracay, at iba pa.
Tiniyak naman ng mga otoridad ang
seguridad ng mga turista hanggang sa pag-alis ng barko mamayang alas 3 ng
hapon.
Samantala, umaasa naman ang
pamahalaang probinsya ng Aklan na magiging masaya ang mga turista sa kanilang
pagbisita sa Boracay.
No comments:
Post a Comment